If you know me, you’d know how much i like DD. kung gaano kaganda yung plans nya, the management, the partners, etc. pero just like most of my post, lagi kong sinasabi na bago pumasok sa stock market, importanteng my game play o strategy ka.
Pero paano kung nagkasalungat ang fundamental at technical?
Fundamentally, i like DD because of its extravagant plan. Isipin mo 20 citymalls within 5 years? Dagdag mo pa ang mga partners, jollibee at SM lang naman. Kung susundan mo to, masasabi nating BUY ito.
Technically, kung titingnan ang candlestick pattern, nagkaron ng confirmation ang graveone doji at naging evening doji star na which means, magiging bearish na ito. Dagdag pa natin ang ibang indicators:
MACD – closing the gap at a possible sell signal on +0.35 level
RSI – a bit overbought at 66.3
Sabi nga nila, walang lugar ang emosyon sa stock market at naniniwala naman ako doon. Gamit ang sistema ko, nagdesisyon ako na maglighten up muna at abangan ang dip. Paano kung bigla namang bumulusok ito pataas bukas pagkatapos ko mag lighten up? Well, ganyan talaga ang stock market, unpredictable. Mas ok na ko sa ganito, kahit dito man lang, patas ang laban..
Kung kayo ako, anong gagawin nyo?