- #GTCAP – 61% increase in profit. Malaking bagay ang malaking kita ng Toyota na mahigit 71%. Dinagdagan pa ng Metrobank na 50% increase din sa profit. Isama mo na si AXA insurance at 52%. May iba pa. Congrats sa mga may hawak na nito since tuesday kung kelan 1.3K palang sya. Tapos nakapasok pa ng MSCI.. http://www.malaya.com.ph/business-news/business/gt-profits-soar-61
- #SMC – 6% increase in consolidated net income. Double edged sword kong maituturing ang pagiging overdiversified ng San Miguel. Kahit may lugi sila sa Petron, bumawi naman ang iba pa nitong hawak na subsidiary sa pangunguna ng san miguel brewery sa 8% na dagdag kita. Sinundan ng Purefoods at 7%. Global power at 3%. Ginebra at 2%. Magandang balita ito kahit paano. http://www.mb.com.ph/petron-losses-limit-smc-q1-gains/
- #PNB – Tumaas naman ang kita nila sa pautang o loan pero nalugi pa rin dahil sa mababang interest http://www.mb.com.ph/pnbs-profit-slightly-drops-in-q1/
- #GMA7 – Net income surged 25%. Masigla ang kita ng kapuso natin lalo na sa international viewers na nagtala ng 63% increase sa mga programa nito. Meron ding 6% increase sa mga manonood. Dahil dito, inaprubahan ang GMA7 ang dividend na P0.25 payable on May 19 para sa mga may hawak nito noong April 24. Kumusta kaya ang kitaan sa kapamilya station? http://www.mb.com.ph/gma-q1-net-income-up-25-to-p408m/
- #SCC – 24% increase in consolidated income. SCPC (power generation) naman ang nagdala ng malaking kita sa Semirara sa pagtala ng 106% increase sa kanilang power generation. Meron pa silang plant expansion na inaasahang magtutuloy ng magandang kita sa kabuuan ng taon. Gusto ko ang SCC dahil sa maganda nilang track record sa pagbibigay ng dividend. kung magtuloy tuloy ang magandang kita, tiyak maganda rin ang mabibigay na nito. http://www.mb.com.ph/semirara-q1-profit-up-24-to-p2-51b/
- #SCG – grew 12% in revenue. Kabilang sa mga produkto ng Siam Cement Group ay ang mga building materials, ceramic tiles, sanitary wares at paper. http://www.philstar.com/business/2015/05/15/1454755/siam-cement-posts-12-revenue-growth