Simple lang naman, una pumili ka ng isang stock broker kung saan mo gusto mag trade. Isa lang para madali mong makabisa. Oo, pwedeng multiple accounts, pero bakit? para saan? para marami kang choices? Bul***t ka!
Basta meron kang valid ID, TIN at bank account, makakapag umpisa ka. Wag na magtanong kung pwede bang library card o discount card. Sinabi na nganag requirement yun diba? Wag nang tumawad, hindi ito divisoria.Binigay na sayo literal tapos maghahanap ka pa ng iba?
Sa halagang 5K makakapag simula ka na. Oo, maliit na halaga lang to sa iba pero malaki na to para sakin. Kaya nga nanghihinayanag ako sa mga ginastos pambili ng bulaklak sayo kasama ng pang initial ng kapatid mo sa isang wonderful business opportunity that turns your 1800 to 5000 in just 1 week, with multiple exits pa ha.
Dahil online ito, mabilis lang maapprove at maibigay sayo ang login at password mo. Matagal na ang 3 working days. Pag wala pa rin, pwede kang tumawag sa customer support nila na open from 8-5 para magreklamo. Asahan mo within 24 hours, makakapag login ka na. Di tulad ng iba jan, kung makapag paasa wagas. Napakaraming excuses. Kesyo, strict ang parents o kaya hindi pa ready sa commitment. Puny**ta, 31 ka na, kelan ka ready pag nagkaapo na ang AlDub?
Kapag nakapag login ka na, pwede ka ng bumili ng first stock mo. Piliin mo yung stock na pasok sa budget ha. Pwedeng ALI, SMPH, LTG, o DNL. Wag mong ipilit na bumili ng Glo or TEL dahil kahit anong gluta pa ang itake mo hindi aabot ang 5K mo. Siguro kung iencash mo yung mga load na pinadala ko sayo at ibenta mo yang 42″ LCD na regalo ko nung xmas dahil namisplace ng kapitbahay nyo baka sakaling may pang boardlot ka.
O ayan, simple lang mag simula diba? Start to invest in your future. Para kahit malamig ang pasko, may pera ka pag tanda mo.