Congratulations! Sinunod mo ang payo ng mga beterano na sa stocks na pag aralan muna ito bago sumabak o “sumugal”. Oo, sugal na maituturing kung basta basta ka nalang maniniwala sa mga sabi sabi sa facebook, websites, manghuhula, baraha, magic 8 ball o bingo man. Ang stocks ay isang negosyo na kung di mo alam kung ano ang kalakaran, mauubos ang kapital mo.
Risky ang stocks market at naniniwala rin ako na hindi ito para sa lahat. Ngunit kapag ito ay napag aralan mo ng husto, panigurado, maagang retirement (in a good way) ang makakamtan mo.
Maraming paraan o techniques ang pwedeng gamitin para pagkakitaan ang stocks. Narito ang mga techniques na ginagamit angkop sa ating mga pinoy.
Stock Market Investment Techniques:
- Peso Cost Averaging (PCA) – Paunti unting pagbili ng napiling kumpanya sa takdang petsa. Maari itong weekly, monthly, quarterly, etc. Ang mahalaga consistent ka sa pagbili. Para ito sa mga walang oras magmonitor ng kanilang portfolio at aasa na lamang sa performance ng kumpanya.
- Strategic Averaging Method (SAM) – Ito ay nanggaling sa PCA na ang tanging pagkakaiba ay, sa SAM nagbebenta ka pag naabot na ang target price. Ang technique na ito ay binuo ng group ng Bro bo Sanchez ng truly rich club.
- Dividend Strategy – Nakatutok ka sa mga kumpanyang nagbibigay ng dividend . Ang dividend ay optional lamang na binibigay ng mga kumpanya kaya may mga piling kumpanya lamang ang nagbibigay nito consistently.
- Fundamaental Analysis – Pagsusuri ng mga pinansyal na documento ng mga kumpanya tulad ng balance sheet, income statement, profit and loss statement, etc.
- Technical Analysis –Â paggamit ng mga charts, technical indicators, etc.
Isang mahalagang paalala: Ang mga techniques na ito ay hindi garantisado at pawang spekulasyon lamang. Wala sinuman ang makakaalam ng mangyayari. Pag aralang mabuti.
Fundamental Analysis
- Value Investing
- Peso Cost Averaging
- Strategic Averaging Method
- Dividend Strategy
Technical Analysis
- Charting
- Chart Types
- Line chart
- OHLC Chart
- Candlestick chart
- Trendline
- Breakout
- Moving Average
- Patterns
- Technical Indicators
- MACD
- RSI
- Fibonacci